Ang aming self-transfer hack ay nakakatulong sa mga customer na makapaglakbay kahit saan sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga airline na hindi karaniwang nagtutulungan sa isa’t isa.
Pinagsasama namin ang mga flight para makagawa ng mga natatanging itinerary na hindi kayang hanapin ng ibang search engine.
Sa halip na mamahaling direct flights sa mga sikat na destinasyon, nakatuon kami sa pag-aalok ng pinakamurang opsyon, kasama ang multi-stop flights. Madaling makababa ang mga customer sa “hidden city” at laktawan ang huling bahagi ng biyahe.
Ang aming mga customer ay nagbabayad lang para sa kung ano ang talagang kailangan nila. Madalas na sobra ang presyo ng mga airline sa one-way na tiket at ibinebenta ang mga ito sa mas mataas na presyo kaysa sa round-trip na tiket.
Palaging iniaalok ng Kiwi.com ang pinakamagandang presyo sa lahat ng aming ruta, at maaaring pumili ang mga customer kung gusto nilang maglakbay nang one-way o mag-round trip.
Ang natatanging tool sa paghahanap ng biyahe na ito ay tumutulong sa mga customer na makatipid ng oras at pera kapag nagpaplano ng mga biyahe sa maraming destinasyon. Sinusuri ng Nomad ang bawat posibleng kombinasyon ng biyahe sa isang multi-city trip para mahanap ang pinakamababang posibleng presyo.